Sunday, September 17, 2006

ang init part 2 (gusto ko ulit mag- reunion!!)

first time ko ginawa to ah. magpost ng dalawang beses sa isang araw sa blog. haha. wala lang. kakagaling ko lang kasi dun sa reunion namin. nagkamali ako na hindi ako mag-eenjoy, kasi nagbonding kami ng mga pinsan ko kanina, kaya nag-enjoy ako!Ü haha. kahit nasa 20's na sila at kahit ako na lang ang high school, nagkakaintidihan pa rin kami. pinag-usapan namin yung mga colleges, courses tska mga bagay bagay. yung isa kong pinsan, medyo pareho kami ng pinagdadaanan ngayon, (di'ba ate cindee??) haha. tapos may pinsan pala akong rocker. as in literal na rocker. nasa banda, tapos nagtuturo siya kung paano mag-guitar. tumugtog siya kanina, tapos lahat kami nakatulala sa kaniya kasi ang galing niya! SUPER! ang bilis nung mga daliri tapos, kung mag-shift, grabe, ang galing. take note, electric guitar yun, so medyo masakit sa kamay. pero siya, grabe, kung tumugtog parang si Santana!Ü yinaya ko siya sumali sa battle of the bands sa band aid, at pumayag naman siya. sana nga matuloy.
ang dami namin pinag-usapan. nag-debate pa nga kami kung anong college ang pinakamagaling, siyempre ako, ateneo. hehe.Ü nagsabi din si kuya caloy ng mga "lessons" haha. (si kuya caloy yung magaling magitara). uy, kung tutuusin, tama nga yung sinabi ni kuya. haha. (sa amin na magpipinsan kung ano yung lesson na yunÜ) haha. tapos yun, umuwi na rin kami. as usual, pagdating ko sa bahay, nag-aral ako. ngayon, tapos na ko mag-aral kaya internet na. hehe.

hanggang sa susunod na reunion!ÜÜ

yung post ko na "to you" kadramahan ko lang yun. pabayaan niyo lang, wag niyo ng pansinin.Ü hehe.Ü

No comments: