foodtrip....
pumunta ako kasama ang aking mga kapamilya sa bahay ng lola ko kanina. kakadating lang kasi ng aking uncle galing states kaya naghanda sila lola. masaya naman dun. nagfood trip ulit ako, pero ngayon kasama na si kuya. may pasalubong din sa'kin na maganda.Ü tapos, siyempre may mga CHOCOLATES. (ang paborito naming pagkain... hehe.) tuwing nakakakita, nakakarinig, o nakakakain ng chocolates, palagi ko siyang naaalala. and as of this very moment, may chocolate sa harap ko, so that means..... hehe.
nangangarap na naman ako.. tss... pagbigyan, kasiyahan ko na yan... : )
(shoot, ang hirap niyang abutin... perfect na sana eh: gentleman, shy, humble, not to mention HANDSOME, kaso, hanggang pangarap at panaginip na lang talaga...)
ym...
naisipan kong mag-online ngayon sa ym. as in hindi invi. lagi kasi ako invisible pag nasa ym ako, pero ngayon, natripan ko lang magpakita sa mga tao. marami ang nabigla na naka-online ako at hindi invi. haha. kaya, marami rin ang nag message. pero ang pinaka-iniinggitan ko na naka-chat ko ngayon ay si mel. bakit ako naiinggit????? kasi may pic siya ng dalawang paborito kong basketball players ng ateneo: CHRIS TIU AND JC INTAL. akalain mo? may pic siya kasama ng dalawang napakagaling at napaka-"hot" na BASKETBALL PLAYERS??!! argh. kainis! ay nako, di bali, my time will comeÜ
music...
ang ganda ng song na stars by calla lilly. hehe. buong araw yata ako nakinig sa radyo tapos ilang beses pinatugtog. ang ganda ng drums! promise. ang ganda ng pagkatugtog. tapos may bagong kanta yung 6 cycle mind!! umaasa yata yung title.. ewan. maganda siya kaso merong "rap" part yung song na hindi ko masyadong trip, pero, other than that, maganda yung song (lalo na yung message.Ü)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment