paano ako naka-post kung wala pa rin kuryente sa bahay? hehe, na sa bahay kami ngayon ng lola ko. at dahil sa sobrang desperado namin gamitin ang computer, dinala ni kuya yung buong computer sa bahay ni lola, kaya naka-post ako ngayon. dito muna kami makikitira hanggang magka-kuryente yung bahay namin. 3 weeks pa yata kami walang kuryente kasi nga dahil sa punong nahulog. hay, good luck na lang ang studies. : (
talo ateneo sa uaap!!! nakakainis!!!!!! pinanood namin ni kuya boj sa caf ng ateneo, tapos tuwing nakaka-score yung ateneo, sigawan lahat ng tao. haha. ang saya. pero, yun nga, natalo eh... seryoso, nalulungkot ako ngayon kasi natalo sila. kawawa naman sila JC Intal at Chris Tiu, last year na nila pati yung ibang players tapos, hindi pa nag-champion. : ( sobrang na-down ako...
anyway, kanina, habang hinihintay si kuya boj, kakaiba yung pinag-usapan namin ni mommy. haha, pinag-usapan namin about love at kung paano sila ni daddy nung mag-boyfriend pa lang sila. haha. nakakatawa na medyo nakakakilig. medyo lang, hindi masyado, haha, joke. : )
medyo nahihirapan ako ngayon kasi hindi kami sa bahay umuuwi. late ako masusundo pag dismissal, (kaya, nag-aaral na lang ako sa library, to kill time), tapos susunduin pa si kuya sa ateneo, tapos lalakbay pa kami sa manila dahil andun yung bahay ni lola. grabe, tatlong linggo ko to gagawin... goodluck na lang talaga sa studies... kawawa rin si mommy eh, napapagod na siya.. Lord, tulungan niyo naman kami oh...pero siyempre, ang masaya naman dito, tatlong linggo din ako maaga makakadating sa school!Ü ang aga ko kanina dumating kasi private na nga. marami akong mga kaklase na nabigla kasi 6:30, nasa school na ko. haha.. : )
"what doesn't kill you makes you stronger"
-shared by Ms. Platon
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment