Sunday, October 01, 2006

internet cafe

wala pa rin kuryente. kaya kami ng kuya ko ay panay internet cafe na lang. kawawa kami sa monday. shoot. sana wala masyadong homeworks bukas. kung hindi, kandila lang ilaw namin habang nag-aaral. : (
ngayon, naka-ckeck- in kami sa isang hotel kung saan nagkaroon kami ng discount. hehe. nahihirapan talaga kami sa house kaya, nag-over night kami sa hotel kung saan nagtratrabaho tito ko. salamat tito mirro sa malaking discount! : ) hehe.
uuwi na kami mamaya. tulad nga ng sabi ko, snap back to reality...

kagabi, habang nakatulala sa window ng hotel, kung anu-ano pumapasok sa utak ko. kaya sinulat ko siya sa papel. (trivia: pag ako naghawak ng pen o pencil at may length wise na papel, ibig sabihin nun may sinusulat akong something.. haha. nagsusulat ako ng mga kadramahan, "thoughts", etc. hehe. wala lang. trivia.) length wise ang paborito kong papel. ewan ko kung bakit. lahat ng nasa utak ko, sinusulat ko siya sa length wise. kaya pag nakita niyo ko may length wise sa harap ko at may hawak na red ballpen o pencil, magdalawang isip muna kayo makipag-usap sa'kin. kasi hindi ako basta-basta nakikipag-usap pag nagsusulat ako. unless, sobrang importante o namomoblema kayo, fine, i'll drop the pen.

"i'll drop the pen..."
-julie : )

No comments: