Saturday, March 18, 2006

twisted

kakagaling ko lang sa tagaytay. pumunta kami dun nung friday, pagkatapos na pagkatapos ng school. sinundo ako ng mom ko kaya hindi ako nakagawa ng mga dapat gawin nung friday. ok lang, at least nakapagpahinga rin ako kahit konti. nung papunta kami dun, mga bandang 6:30 kaya kitang-kita yung sunset. sobrang ganda! grabe... lalo na yung kulay ng sky.. (eto na naman ako sa sky na yan... hehe.Ü) nung dumating kami sa hotel, pagabi na kaya ang lamig! tapos kitang-kita yung stars... hehe... hiwalay kami ng kuya ko sa kwarto ng mga parents ko. haha.. saya. pagdating sa room, umiral ang pagkavain at nagpicture picture ng ewan! hahaÜ sa kwarto, ganda ng view sa window, kita yung mountains, taal, sky, stars, moon. ang ganda...Ü buti na lang nagstay kami dun, nakapagpahinga ako after so many stressful days/ months! haha. yang mga simpleng sky tska lamig ng panahon ang talagang nakakapagrelax sa'kin. nung andun ako feeling ko ang sarap mabuhay. i had time for myself and had time to relax! tagal ko na kasing hindi ginagawa yun eh. lagi kasing school work! haha.. pano kaya sa 3rd year?? ewan... ngayon nasa bahay na ko, una kong ginawa, investi... balik na naman sa dati... haha..

nakaka-addict gumawa ng paper cranes!!! pag recess, lunch, dimissal, walang teacher, pag boring ang lesson, paper cranes ang inaatupag ko! saya... dapat nga 1000 yung gagawin, kaso gusto ko 100 lang... haha, kasi naman baka patay na ko hindi ko pa tapos yung 1000 paper cranes. tinuro kasi yun ni ms.platon, yan tuloy ang daming na-addict dun. isa na ko! haha...

dalawang linggo na lang at bakasyon na namin! haha... tagal pa kung tutuusin...

sa lahat ng mga ate namin sa fourth year: congrats! good luck sa college! mamimiss namin kayo!!!ÜÜ

sa lahat ng mc friends ko: enjoy your batch nite!!! haha.Ü]

Wednesday, March 15, 2006

happy day!!

haha, birthday ko ngayon, happy day! salamat sa lahat ng nag-greet sa akin tska salamat din sa lahat ng nakaalala!! talagang nakakatouch yung mga ginagawa niyo sa'kin... ÜÜ thank you ulit!
waahhh, sarap ng food namin, may carbonara, pizza, cake, etc!! haha... nakakabusog!Ü buong araw akong masaya, yehey! haha...

sa lahat ng friends ko sa mc, have a fun-filled summer!!! bakasyon niyo na starting today, magpakasaya na kayo!!Ü

sa lahat ng friends ko sa shs, konting tiis pa at magbabakasyon na rin tayo!Ü haha, galingan natin sa junior year!!!! wuhoo, kaya natin to!!

sarap ng feeling ng sobrang saya! haha... ÜÜÜ

Saturday, March 11, 2006

masaya ba o malungkot?

buong araw akong wala sa bahay. nagcelebrate na kasi kami ngayon ng bday ko (kahit sa wed. pa). kumain kami sa Itallianis, tapos nanood ng movie. Nagsimba na rin kami para wala ng gagawin bukas. masaya naman yung araw ko eh, pero nung bandang gabi talaga, dun lumalabas ang pagkasenti ko! kung minsan nga nakakainis na eh, ang perfect na ng umaga tapos pagdating sa gabi, wala, nasa isang tabi nagpapakasenti... tulad nga nung sabi ko sa isang post, kaya rin ako nasesenti kasi sa mga kanta sa radyo. tapos siyempre twing gabi rin ako nagiisip-isip ng mga bagay2x. kanina nga, nakatunganga lang ako sa sky. haha... ganda kasi eh, puno ng stars tapos kitang kita yung moon... lalang. sharing... yan pa pala! kaya rin ako nasesenti twing gabi dahil sa sky... maraming memories ang nadadala nyan sakin... grabe. isa na sa mga memories na yan yung mga kaibigan ko nung gradeschool tska first year.. wala lang. nakakamiss eh. but that's life, hindi naman lahat ng bagay hawak mo... kailangan tanggapin na lang...

**makinig kayo ng mga kanta ng mymp!!, lalang.**

Monday, March 06, 2006

monday... :c

haay... t'wing monday talaga tinatamad ako mag-aral... medyo tahimik ako buong araw kasi hindi ko trip magsalita. napansin nga to ni rizza eh (seatmate!), nanibago siya. haha. napansin din nila jen at mel, pero sanay na sila sa'kin pag ganyan.

tapos ko na pala yung librong binabasa ko: The Wedding by Nicholas Sparks. maganda siya!Ü inspiring tska nakaka-touch. basahin niyo, ma-eenjoy niyo yun!Ü haha, lalang.

nagpresent pala kami sa english ngayon, puro adlib lang yung ginawa. haha. nakakatawa yung presentation ng MATES, haha, lalo na sila dice, thea, tska pk!Ü

nung dismissal, nagreminisce ako sa bus (yak! drama!!Ü). pinag-usapan kasi nila jen at mel yung gradeschool life nila.. siyempre ako, hindi ko ma-share yung akin, wala naman kasi makakarelate sa'kin dun! haha, kaya yun, nasa isang tabi ako, nakatingin sa sky habang nag-iisip ng kung ano2x. saya.. hehe.. c;

Sunday, March 05, 2006

radyo

kung minsan talaga hindi mo alam kung nananadya ang mga stasyon ng radyo sa mga kantang pinapatugtog nila. grabe kagabi, yung mga kanta na pinatugtog nakakasenti. pero hindi ko mapatay yung radyo kasi nakasanayan ko na kapag gabi, nakikinig ako dun. kaya yun, pinakinggan ko ang bawat kanta. ewan ko ba, yung mga kanta nakakalungkot na nakakareminisce na nakakasenti na ewan! haha. kapag friday, 7 pa lang, nakatutok na ko sa WAVE hanggang makatulog ako. kagabi, na sa 94.7 ako, yung kanta nakakasenti. una kong narinig till they take my heart away (kung close ko kayo, alam niyo kung bakit nasesenti ako pag narinig to.) tapos sunod, without you ni paolo, tapos with a smile ng southborder, tapos maybe ni king, tapos never get over you getting over me ng mymp, tapos why ni avril. grabe, sunodsunod yun! nananadya ang stasyon. haha. pero ok lang, sabi nga nila, maganda rin na kung minsan, magpakasenti ka. pero nung pinapakinggan ko yung mga yun, hindi ako umiiyak, o.a. ko naman pag umiyak pa ko! haha. basta, maraming nagagawa ang musika sa buhay. Ü

pakinggan niyo yung Torpe#5 ng mymp, maganda! haha, lalang...Ü

Friday, March 03, 2006

buti na lang may english at health periods!

march 3, 2005, friday. nung umaga, medyo hindi maganda pakiramdam ko kasi sakit ng ulo ko. tapos, yung mga pinapatugtog sa radyo, puro panama. pero ok lang. pagkababa ko sa school, "down" ng feeling ko, ewan ko kung bakit. pagkadating sa classroom, basa kagad ako ng libro (The Wedding by Nicholas Sparks, great book, you should read it!Ü) mga bandang 7:10, dumating si cza, eh di kwento kagad yun! hehe. tapos may nalaman ako na medyo nakalungkot ulit sakin. basta, long story. pero pagkatapos ng mass, naging ok ako, kasi lahat ng inis ko, sinabi ko na sa dasal (thank you Lord!Ü) hehe. tapos after lunch, yan na, ayos na araw ko!!

the best talaga si ms. platon magturo! lalo na yung mga topics namin ngayon, ang galing niya i-ralate sa buhay namin. nakaka-inspire yung mga tinuturo niya tapos life-changing pa. tamang tama nga sakin eh. basta, lesson namin parang wag mo masyadong isipin ang past kasi, wala ka na magagawa dun, tapos make your today fulfilling and happy, para from now on, you look back into a past that is happy. basta, mas maganda kung siya yung nagturo, mas maiintindihan niyo. may binigay siya na advice: "do something everyday that scares you", para everyday daw, you have lived your life to the fullest.

sunod naman si ms. casimiro, eh alam niyo naman yun, sobra din kung magbigay ng lesson, astig! siya naman, yung mga sinasabi niya wag ka magpapatalo. wag ka rin magpaimpluwensiya sa mga masasamang tao. tapos may sinabi pa siya na ikaw lang ang may kontrol sa buhay mo at wala ng iba. wag kang madadala sa mga masamang tao. basta, astig talaga! mararamdaman mo na talagang masaya mabuhay kahit may mga problema! hehe... may sinabi rin pala siyang advice: "tumayo ka at lumaban"

nung dimissal na, ok na ok yung feeling ko. pag dating sa bahay, nung nag-online ako, medyo nalungkot ulit kasi may nabasa ako sa isang blog, pero, ayos lang! inisip ko na lang yung lessons namin ngayon, kaya nagsulat ako dito.
sorry kung mahaba tong entry na to, ginanahan kasi eh! sige dito na lng, bye
!!ÜÜ