Thursday, January 11, 2007

CL DAY

Disclaimer: Long post

Kahapon at ngayon ay Cl days ng SHS. Kahapon ang elims ng batch. Guess what? Kalayaan was chosen to represent the Juniors!! wuhoo, God is great, all the time!: )

Today...

Naiinis ako sa moods ko today. Para siyang roller coaster. LITERAL na up and down. Nung umaga, malungkot. Nung nag praise fest sobrang saya. Nung recess nagpaka- senti sa gitara, nung talk ni Kuya Greg, hyper. Nung fellowship, walang imik. Nung presentations at concert, SOBRANG SAYA naman. WOW. Julie, ano ba nangyayari sayo? Wake up dude. There's something wrong with you... Ewan. Hindi ko na rin maintindihan sarili ko. Sorry nga pala sa mga taong nasalubong ko nung bad mood ako ah. Sorry kung wala akong imik..


PK!!!
Salamat kay PK. hehe. Ngayong araw na to, siya karamay ko. Promise. Nung masaya ako, masaya rin siya. Nung malungkot ako, nalungkot din siya, at siyempre, vice-versa. Salamat talaga Pk. Nagkaroon nga kami ng senti moment ni Pk eh! Nasa may flag pole kami tapos biglang umulan. Lahat ng tao pumunta sa Podium para sumilong, pero kaming dalawa, naka-upo lang sa stairs sa flag pole habang nababasa sa ulan. MALUPIT. Gustong gusto namin ni Pk yung nangyari. Parang sinabi namin "Pakelam nila, gusto natin dito. Gusto natin maulanan". Wow, salamat talaga Pk, ang tagal ko na gustong gawin yun! haha. : ) Tapos yung mga kanta nung concert, haha, ang cute natin!!! Yun lang masasabi ko. Nung dismissal pa, yun yung talagang na-bad trip ako ng malupit, nag-usap ulit kami ni Pk. Yun, medyo nagkaintindihan kami. Sumabay pala siya pauwi pero hanggang sakayan lang ng tric. hehe, wala lang. : ) Salamat ulit Pk!!!: )

Fourlets...
Malupit kayo, Fourlets, sobrang mahal na mahal ko kayo!!!!: ) Ang saya natin buong araw. Sumasaya ako pag nakakasama ko kayo. Salamat kasi napasaya niyo ko nung bad trip at malungkot ako. : ) Salamat talaga! Haha. Bonding moments talaga. : )

Kalayaan...
Nako, alam niyo naman na mahal na mahal ko kayo eh!! No need for words. hehe. : )

**Pics sa multiply ni Kaine. Di ako masyado nag pic eh**

**soundtrip: mymp. Juris, serenade my moods away...**

No comments: